Mariing itinanggi ni Manila Rep. Rolan Valeriano ang isyung may namumuong kudeta sa Kamara.
Kasunod ito ng pahayag ni National Unity Party (NUP) president Ronnie Puno na hindi sila kuntento sa liderato ni House Speaker Bojie Dy.
Ayon kay Valeriano sa panayam ng Bombo Radyo, normal lamang na may mga pagkakataong hindi sila “solved” sa pamamalakad ni Speaker Dy sa ilang isyu gaya ng ukol sa mga district projects, ngunit hindi ito nangangahulugan na kakalabanin na nila ang pinuno ng Kamara.
Sa paniniwala ng mambabatas mula Maynila, nananatiling buo ang suporta ng mayorya sa Kongreso para kay Dy, gayundin sa administrasyong Marcos.
Nagpasalamat naman si Valeriano na sa kanilang grupong NUP ay hindi sila pinipigilan sa pagtindig sa mga isyu, kundi pinaiiral umano ang konsensya at katarungan.
Maging sa usapin ng impeachment, ito rin ang nakikita niyang magiging paninindigan ng kanilang partido.
















