Sa kabila ng umiigting na tension ngayon sa West Philippine Sea, nanindigan pa rin ang Pilipinas na magpapatuloy pa rin ito sa pagsasagawa ng rotation and resupply mission para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito ang binigyang-diin ni National Security Council Spokesperson Jonathan Malaya sa isang pahayag sa gitna ng kaliwa’t kanang mga propaganda ng China laban sa ating bansa hinggil sa isyu sa West Philippine Sea.
Matatandaan na una rito ay umapela naman si Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa publiko na huwag magpapadala at maniniwala sa mga propaganda at kasinungalingan ng China patungkol sa nasabing isyu.
Kasunod naman ito ng umano’y gentleman’s agreement nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na may kaugnayan umano sa kanilang naging kasunduan na hindi na pagdadala ng Pilipinas ng mga construction materials para sa pagkukumpuni sa BRP Sierra Madre.
Bagay mariin namang itinanggi ng Department of Foreign Affairs na mayroong pinasok na ganitong uri ng kasunduan ang ating bansa sa China.