Bahagi na ngayon ang Pilipinas ng isang pandaigdigang pagsisikap sa pagbuo at pagpapatupad ng malawak na hanay ng mga hakbang upang mapangalagaan ang magkakaibang ecosystem nito.
Ito ay kasunod ng mga taon ng pagkasira ng iba’t ibang mapagkukunan o resources at ecosystem ng bansa.
Ang Pilipinas ay kabilang sa isang listahan ng 190 bansa na nangako na makipagtulungan sa mga stakeholder upang protektahan ang hindi bababa sa 30% ng lupain at water ecosystem ng planeta pagsapit ng 2030.
Ang holistic na proteksyon ng ecosystem ng daigdig ay nangangahulugan na ang aksyon ay dapat magsimula sa isang bansa at mas mahalaga, sa domestic na antas.
Kabilang sa mga pinakamahalagang aksyon para makamit ito ay ang konserbasyon ng lupa at dagat na nagbibigay-priyoridad sa mga species na nahaharap sa extinction.
Sinabi ng mga eksperto na ang 30% na layunin ay nagbibigay sa planeta ng pagkakataong mabawi at maprotektahan ang milyun-milyong species mula sa extinction.
Dagdag dito, ang DENR ay nasa konsultasyon ng hindi bababa sa 100 kinatawan mula sa mga ahensya ng gobyerno, non-government organizations, academic institution, mga katutubo at lokal na komunidad para sa pagpaplano ng konserbasyon at mga sustainable financial solutions at ang innovation.
Una nang sinabi ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na ang mga hakbangin ng departamento kasama ang mga stakeholder ay simula pa lamang mula sa mga konsultasyon ng mga eksperto sa komunidad hanggang sa validation ng mga pinamamahalaan at conserved areas sa buong bansa.