Nakumpirma sa bansa ang mga kaso ng “Long COVID,” o mga taong nakakaranas ng katamtaman hanggang pangmatagalang epekto ng COVID-19 pagkatapos ng paggaling.
Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa, na -identify ito sa ibang bansa, ng WHO (World Health Organization), ng United Kingdom, ng US.
Nag-uumpisa rin ito sa bansa nang makakita ang ating mga doktor sa ospital ng cases niyan.
Ayon sa WHO, ang kasalukuyang ebidensiya ay nagmumungkahi na humigit-kumulang 10 hanggang 20 porsiyento ng mga tao ang nakakaranas ng iba’t ibang epekto sa kalagitnaan hanggang pangmatagalan pagkatapos gumaling mula sa COVID-19.
Ang mga taong may “Long COVID” ay nagkakaroon ng iba’t ibang epekto tulad ng pagkapagod, paghinga at cognitive dysfunction (pagkalito, pagkalimot, o kawalan ng mental focus at kalinawan).
Ang ilang mga tao ay nakakaranas din ng mga psychological effects dahil sa post COVID-19 condition.
Idinagdag ni Herbosa na ang mga taong may Long COVID ay nakakaranas ng pamamaga ng puso at brain fog.