Nakapagtala ngayon ang Pilipinas ng bagong mga tinamaan ng COViD-19 na umaabot sa 2,459.
Iniulat sa Latest data mula sa Department of Health (DOH) ay nagpapakita na ang mga active cases sa bansa ay bahagyang tumaas sa 26,399.
Sa ngayon ang Metro Manila pa rin ang nangunguna sa mga rehiyon sa buong bansa na merong pinakamaraming mga kaso ng COVID sa nakalipas na 14 na araw na umaabot sa 11,063.
Sinusundan ito ng Calabarzon na may 5,397, Central Luzon na may 2,864, Davao region na may 1,446, at ang Western Visayas na may 1,089.
Dahil dito patuloy pa rin ang pakiusap ng DOH sa kahalagahan ng booster shot para malimitahan ang mutations ng virus at transmission.
Binigyang diin pa ng DOH na napakahalaga ng booster shots lalo na at nandyan pa rin ang banta ng mga mga sub-variants ng COVID-19 virus na sinasabing mataas ang immune-evasive characteristics.