-- Advertisements --

Nagpahayag na ng kagustuhan ang Pilipinas na sumali sa Gavi COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility., na ang siyang pangunahing layunin ay makapagbigay ng pantay na access sa COVID-19 vaccine.

Hulyo pa lamang ay inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pakikiisa ng bansa sa nasabing pasilidad.

Subalit ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kakailanganin umano ng sapat na budget para makasali ang Pilipinas sa COVAX facility.

Plano ng COVAX na mamahagi ng dalawang bilyong doses ng ligtas at epektibong gamot para sa lahat ng participating countries bago matapos ang taong 2021, kung saan magiging prayoridad ng naturang proyekto ang mga healthcare workers.

Sa ngayon ay naghahanda na ang Department of Science and Technology at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa solidarity trials.

Una rito ay inirekomenda ng DOST ang P89 million budget para sa operational cost ng 12 study sites habang ang test vaccines naman ay sasagutin na ng World Health Organization (WHO).