-- Advertisements --

Nahuhuli umano ang Pilipinas kumpara sa mga bansa sa asya kung pagbabasehan ang ilang isyu mula ng mangyari ang outbreak ng COVID-19 pandemic noong 2020.

Ayon sa report ng international organization Oxfam na tinaguriang 2022 Commitment to Reducing Inequality (CRI) index at Development Finance International, ang Pilipinas daw ay pumwesto sa 102nd mula sa 161 na mga bansa.

Una na raw nasa 109th ang bansa mula sa 158 counties sa unang report noong taong 2020.

Pinagbasehan sa Commitment to Reducing Inequality index ang ginagawa ng national government upang maibsan ang tinatawag na “inequality” sa pamamagitan ng “public services spending, taxation at sa larangan ng labor rights at sweldo ng mga manggagawa.

Nagpapakita rin daw sa CRI index na ang Philippine’ performance sa ilalim ng “Reducing inequality through progressive spending” ay bumaba rin sa 106th place nitong taong 2022 mula sa ika-99 na puwesto noong taong 2020.