-- Advertisements --
AFP

Nagpadala na ng note verbale ang Pilipinas sa China kasunod ng umano’y nangyaring komprontasyon sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy malapit sa Pag-asa island.

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo.

Saad pa ng kalihim na pinag-aaralan na rin ang nangyaring insidente at pinasasagot ang China para liwanagin sa nangyaring insidente sa may pag-asa island.

Una ng inihayag mismo ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang magpadala ng note verbale sa China para matukoy kung bakit magkasalungat ang naging pahayag ng Chinese authorities sa panig ng Pilipinas sa naturang insidente.

Inihayag din ng Pangulo na ang nangyari sa Pag-asa island ay isa din sa mga dahilan ng nakatakdang pagbisita ng Pangulo sa China sa Enero ng susunod na taon para sa state visit.

Magugunita, nag-ugat ang naturang insidente nang pwersahang kinuha umano ng Chinese Coast Guard ang na-retrieve ng Philippines’ Naval Station Emilio Liwanag (NSEL) na unidentified floating object na pinaniniwalaang debris ng rocket na inilunsad ng China kamakailan.

Subalit itinanggi naman ng Chinese embassy ito at kinuha aniya ang naturang bagay sa pamamagitan ng “friendly consultation”.

Top