-- Advertisements --

Nakuha ng Pilpinas ang kampeonato sa World Cup of Pool doubles sa pamamagitan nina Johann Chua at James Aranas sa torneo na ginanap sa Spain.

Tinalo ng dalawa ang bansang Germany para maibulsa nila ang ikaapat na World Cup of Pool ng Pilipinas.

Mua sa simula ay dominado ng Pilipinas ang laro at hindi nakalamang ang kalaban nilang Germans.

Bago makarating sa finals ay tinalo ng Pilipinas ang Austria habang ang Germany ay tinalo ang China 9-7.