Binigyang diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla na bukas ang Pilipinas sa pagpapalakas ng kasalukuyang partnerships nito at pagkakaroon ng mga bago pang ugnayan para maisulong ang karapatang pantao, kabilang dito ang nagpapatuloy na justice sector reforms sa 4th cycle ng universal periodic review ng Pilipinas sa UN Human Rights Council sa Geneva Switzerland.
Sa nasabing event, ibinahagi ni Remulla ang progreso ng mga ipinapatupad na National Agenda on Human Rights simula noong 3rd universal periodic review ng Pilipinas noong 2017.
Binigyang diin ni Remulla ang panibagong pagnanais ng bansa na mapalakas ang national accountability mechanism kasunod na rin ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaron ng komprehensibo, patuloy na nagbabagong reporma sa tinatawag na 5 pillars ng justice system ng bansa.
Paliwanag ni Remulla, ang mga game changing reforms ay nakatutok at babago sa legal culture ng bansa para maibigay ang “real justice in real time” na obligasyon ng gobyerno sa taumbayan.