-- Advertisements --
Untitled 8

Naniniwala ang Consultative Group on International Agricultural Research (CGIAR) na magpapatuloy pa rin ang mababang produksyon ng bigas sa Pilipinas sa mga susunod na araw.

Ayon kay Asia Regional Director Samarendu Mohanty, nananatiling mababa ang arable land sa Pilipinas na ginagamit bilang taniman ng palay.

Dahil dito, tiyak aniyang magpapatuloy pa rin ang pag-angkat ng Pilipinas mula sa ibang mga bansa.

Ito ay upang tugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer at ang lumalaking populasyon nito na sa ngayon ay humigit kumulang 110 million na.

Dahil dito, inirekomenda ni Mohanty ang dalawang bagay na makakatugon sa naturang problema.

Maaari aniyang kumain ng ibang pagkain ang mga Pinoy, maliban sa bigas o kung hindi man ay tutukan ang pagpapalawak ng lokal na taniman at lokal na produksyon.

Inihalimbawa nito ang ginagawa ng ibang mga bansa na pagpapalawak sa kanilang mga tinatamnang lupain upang mapataas ang produksyon ng mga pangunahing produkto.