Aabot sa 814 na atleta ang ipapadala ng bansa para sa pagsabak sa 32nd Southeast Asian Games sa susunod na taon sa Cambodia.
Ito ang napagpasyahan sa dalawang consultative meeting ng national sports associations.
Mayroong 49 sports ang lalaro sa Cambodia na magsisimula mula Mayo 5 hanggang Mayo 15.
Target kasi ng Philippine Olympic Committee na salihan ang lahat ng kompetisyon kung saan nakalaan dito ang 608 na medalya.
Sinabi ni POC President Abraham Bambol Tolentino na layon nilang magpadala ng full contingent sa nasabing torneo.
Noong nakaraang mga linggo kasi ay nakapulong na niya ang mga representante ng mga combat sports at ibang sports organizations.
Magugunitang noong Vietnam SEA Games na ginanap nitong Mayo ay nagpdala ang bansa ng 656 na atleta habang noong 2019 SEA Games na ginanap sa bansa ay mayroong halog 1,000 atleta ang isinabak ng bansa.