-- Advertisements --
image 72

Inihahanda na ng Department of Tourism ang ilang mga pagbabago sa sektor ng turismo, patungo sa pagiging regional cruise center ng Pilipinas, sa buong Asya.

Ayon kay Sec Christina Frasco, kasabay ng pagbubukas ng mga international travel sa bansa ay pinaghahandaan na ng ahensiya ang posibilidad na magiging pangunahing cruise tourism destination ang Pilipinas, na pangunahing pinupuntahan ng mga turista sa Asia-Pacific Region

Sa katunayan, ayon kay Sec Frasco, simula nang buksan muli ang mga international flight sa bansa ay mayroon nang pagtaas na 34% ang mga cruise calls na natanggap ng bansa.

Mas mataas na rin ito aniya kumpara noong 2019.

Umasa rin ang kalihim na tuloy-tuloy na ang pagbubukas ng mga flight routes na unang itinigil simula nang magkaroon ng pandemiya.

Tiyak kasi aniyang magiging daan ito upang lalo pang dumami ang bilang ng mga turistang bibiyahe papuntang Pilipinas.