Kinondina ng Pilipinas ang madugong pamamaril sa dalawang mosque sa Christchurch, New Zealand na ikinasawi ng 49 katao at ikinasugat ng 40 iba pa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na walang puwang ang nasabing gawain sa sibilisadong lugar.

Kasama aniya ang Pilipinas sa ibang mga bansa na komokondina sa insidente.

Nag-alay din ang Malacañang ng dasal at pakikipagdalamhati sa mga biktima at mamamayan ng New Zealand.

“The Philippines joins all peace-loving nations and peoples around the world in condemning – in the strongest and in no uncertain terms – this assault on the faithful in places of worship, our thoughts and prayers are with the families and loved ones of those who lost their lives in this tragic incident, and we pray for strength and speedy recovery of those who were injured,” wika ni Panelo.