-- Advertisements --
Hindi pa rin natatanggal ang Pilipinas sa gray list na may talamak pa rin na problema ng money laundering, terrorist at proliferation financing.
Sinabi ni Financial Action Task Force (FATF) outgoing president T. Raja Kumar na ito na ang pangatlong sunod na taon na kasama ang Pilipinas at 20 ibang mga bansa pa.
Taong 2021 ng unang makapasok sa gray list ang Piliipnas at hanggang ngayon aniya ay hindi pa naayos ng bansa ang nasabing problema.
Dagdag pa nito na marapat na agad na tugunan ng gobyerno ang paglaban sa problema sa anti-money laundering at mga nagpopondo ng mga terorismo.