-- Advertisements --

Hindi natatalo ang bansa sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na marami pa ring mga Filipino ang umaasa na kayang labanan ng gobyerno ang COVID-19.

Nanawagan ito sa mga healthcare workers na ipagpatuloy nila ang pagresponde sa mamamayan na dinapuan ng virus.

Patuloy pa ring lumalaban ang DOH kahit na napupuno na ang mga pagamutan.

-- Advertisement --

Nauna ng inamin ni Dr. Jaime Almora ang pangulo ng Philippine Hospital Association na tila bibigay na sila dahil sa dami ng mga nadadapuan ng COVID-19.