-- Advertisements --

Hindi na itinuloy ng gobyero ang pagbili sana ng 16 na military transport helicopters mula sa Russia.

Ito ay dahil sa pangamba ng gobyerno sa maaring sanctions na ipataw ng US.

Sinabi ni dating Defense Secretary Delfiin Lorenzana na nakansela ang P12.7 bilyon deal para sa pagbili ng Mi-17 helicopters noong Hunyo 25 o ilang araw bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Lorenzana na desisyon ng dating pangulo ang hindi na pagtuloy ng pagbili ng nasabing mga helicopters sa Russia.

Sakaling natuloy ang pagbili ay posible rin aniya na mapatawan din ng sanctions ang Pilipinas sa pamamagitan ng pag-freeze sa mga foreign reserves ng bansa.