-- Advertisements --

Naniniwala si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., na hindi maiiwanan ang Pilipinas kapag mayroon ng mabibiling bakuna laban sa coronavirus 2019 (COVID-19).

Sinabi nito na dahil sa magandang ipinapakitang kagandahang loob ng Pilipinas sa ibang bansa ay malamang hindi ito pagkaitan ng bakuna.

Tiniyak din ng ilang mga foreign authorities na hindi nila makakalimutan ang mga tulong na ibinigay ng Pilipinas sa kanila.

Magugunitang maraming mga kompaniya sa ibang bansa ang nagkukumahog na gumawa ng bakuna laban sa coronavirus.