Gagamit na ng mas makabagong teknolohiya ang pamahalaan para sa mas mabisang monitoring ng agricultural commodities sa ating bansa.
Ito ay matapos na lumagda ang Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering at Philippine Space Agence ng isang kasunduan na layuning mas paigtingin pang monitoring, production, at transport ng mga goods mula sa mga magsasaka patungo sa mga mamimili gamit ang satellite data at space technology applications.
Target ng dalawang ahensya na magtulungan para sa proyekto nitong Farm-to-Market Road at Agricultural Commodity Geodatabase and Remote Sensing Application Phase 1 na kinabibilangan ng pagmo-modernize ng data collection, analysis, at dissemination.
Nilalayon ng proyektong ito na i-monitor ang Farm-to-Market roads sa pamamagitan ng remote sensing, kabilang na ang road type, accessibility mapping at infrastructure planning na inaasahang mas mapapaigting pa ang market access, productivity, at resilience ng agricultural systems sa bansa.
Samantala, kaugnay nito ay magsasagawa naman ng feasibility analysis, field survey, at validation activies sa mga pilot areas, ang PhilSA para sa kaukulang pagdedevelop sa methodologies para sa near real-time image at monitoring. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)