-- Advertisements --

Naghahanda na ngayon ang Pilipinas at Japan para sa idaraos nito ng preliminary consultations bago ang pagsasagawa ng pormal na negososasyon para sa isang “reciprocal access agreement” o mas kilala rin bilang Visiting Forces Agreement.

Ayon kay Japanese Ambassador to Manila Kazuhiko Koshikawa, layunin nito na mas paigtingin pa ang defense cooperation ng dalawang bansa sa gitna ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ang iba pang mga detalye hinggil sa possible agreement na pagkakasunduan ng Pilipinas at Japan.

Ngunit ang ganitong uri ng kasunduan ay magpapahintulot sa mas maraming Japanese forces na makilahok sa taunang military exercises na isinagawa ng Pilipinas at Estados Unidos, kabilang na ang largescale “Balikatan” exercise, na nagpapahintulot din sa mga sundalong hapon na tumulong sa pagpapaabot ng humanitarian assistance sa bansa.

Dagdag pa ni Koshikawa, ang Pilipinas at Japan din aniya ay nagpasya na palakasin pa ang defense capabilities nito at gayundin ang mas pagpapatibay pa sa overall security cooperations ng dalawang bansa sa pamamagitan ng strategic reciprocal port calls, at aircraft visit.

Gayundin ang pagsasagawa ng transfer of more equipment and technology sa isa’t-isa kasabay ng patuloy na kooperasyon sa mga na nang inilipat na defense equipment at capacity-building activities.

Kung maaalala, una nang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad ng pagsasagawa ng reciprocal access agreement ng Pilipinas at Japan, kasabay ng pagbibigay-diin na ito ay makakatulong sa ating bansa pagdating sa pagbibigay proteksyon sa mga mangingisdang Pilipino, at gayundin sa ating maritime territory. // ,ars