-- Advertisements --
image 331

Todo na raw ang paghahanda ng Pilipinas at Estados Unidos para sa civil nuclear cooperation.

Bunga na raw ito ng pagbisita ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa US noong Setyembre 2022.

Sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa isang event ng Makati Business Club (MBC) na sisimulan na ng dalawang bansa ang first official consultations para maghanda para sa 123 Agreement negotiations sa mga susunod na linggo.

Ang pagkumpleto raw sa 123 Agreement ay magiging daan para sa civil nuclear cooperation kabilang na ang pag-export ng nuclear technology.

Noong 2022, ang US government ay mayroon na raw 23 civil nuclear agreements sa Argentina, Australia, Brazil, Canada, China, India, Indonesia, Japan, Kazakhstan, Mexico, Morocco, Norway, Russia, South Korea, Switzerland, Turkey, Ukraine, United Arab Emirates, United Kingdom, Vietnam at Taiwan.

Kasama na rin dito ang International Atomic Energy Agency (IAEA) at European Atomic Energy Community (Euratom).

Ang 123 Agreements ay para sa legal framework para sa pag-transfer ng US-origin special nuclear material maging ang pag-export ng nuclear fuel, reactors at equipment para sa peaceful use.

Ang civil nuclear cooperation ay magiging daan din para sa pagpayag sa US partners na maka-access ng sustainable at responsible nuclear programs ng US government.

Maganda raw itong hakbang para masolusyunan ang pangangailangan ng Pilipinas ng enerhiya.

Noong November 2022, sinabi ni Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) director Carlo Arcilla na ang US ay isang critical partner para sa Pilipinas sa kalagitnaan na rin ng US’ advanced technologies at karanasan sa nuclear energy.