Nagpagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos na kumpletuhin ang binubuo nitong security assistance roadmap sa lalong madaling panahon.
Ito ay matapos ang ginanap na 2+2 ministerial dialouge sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na dinaluhan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Defense Officer-in-Charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., US Defense Secretary Lloyd Austin, at US Secretary of State Antony Blinken kung saan napagkasunduan ng mga ito na tapusin ang naturang roadmap hanggang sa susunod lima hanggang sampung taon.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na nagkasundo ang dalawang panig na doblehin pa ang kanilang commitment sa paggawa ng makabagong alyansa ng dalawang bansa kasabay ng pagkilala sa mas malaking papel nito sa pagpapanatili ng isang international law-based international order.
Kaugnay nito ay sinabi naman ni US Defense Secretary Lloyd Austin na kabilang sa kanilang mga tinalakay ang pagpapadala ng mga priority defense platforms tulad ng mga radars, drones, military transport aircraft, at coastal and air defense system.
Ang 2+2 ministerial talks na isinagawa ng naturang matataas na opisyal ng dalawang bansa ay ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari sa loob ng pitong taon na relasyon ng Pilipinas at Amerika.