-- Advertisements --
image 541

Isa ang Pilipinas sa mga nangungunang producer ng Pinya sa buong mundo, batay sa datus ng United Nations Food and Agriculture Organization (FAO).

Batay sa datus, umangat ang produksyon ng pinya sa Pilipinas mula sa 549 metriko tonelada noong 2021 patungong 580 metriko tonelada nitong 2022.

Dahil sa pagtaas, naabot ng bansa ang pangalawang pwesto sa mga bansang may pinakamalaking shipment, sunod sa Costa Rica.

Ang China ang pangunahing bansa na nakatanggap ng pinakamalaking shipment mula sa Pilipinas na umabot ng hanggang sa 43% ng Philippine export. Sunod dito ang Japan na nakakuha ng 30% habang 13% naman ng pineapple export ng Pilipinas at napunta sa South Korea.

Batay pa sa report, ang mataas na export ng Pilipinias ay dahil na rin sa mas madaling transport regulations sa bansa, kumpara sa ibang mga pineapple producing countries sa bansa.

nangunguna naman sa mga variety na nanggagaling sa bansa ay ang MD2 variety na may mas mahabang shelf life kumpara sa iba pang mga variety.