BAGUIO CITY – Magsasagawa ng tatlong araw na Pilgrimage Walk at Climb for a Cause ang mga deboto sa Kibungan, Benguet ngayong mahal na araw.

Ayon kay Charo Solimen, tourism officer ng Kibungan, inorganisa ng parish priest ng kanilang bayan ang aktibidad para sa pag-obserba sa Mahal na Araw.

Aniya, magagamit ang maiipon na registration fee sa mga proyekto ng simbahan.

Isasagawa ang Pilgrimage Walk mula bukas, Holy Thursday hanggang sa Black Saturday.

Magsisilbing ruta ng mga hikers at pilgrims ang Kibungan Circuit Route na dadaan sa Barangay Poblacion, Tacdang at Palina na magtatagal ng tatlong araw.