LA UNION – Tila blockbuster ang haba ng pila ng mga consumuers na patungo ng pampublikong pamilihan ng San Fernando City, La Union dahil sa ipinatupad na 1 entrance, 1 exit policy.
Napag-alaman ng Bombo News Team na dahil sa haba ng pila ay umabot pa ang pila mula sa old market hanggang sa isang grocery store sa downtown San Fernando.
Napag-alaman na, ang mga kapulisan umano ang nagpatupad ng sistema ng 1 entrance at 1 exit policy.
Sa pagbisita ni Police Regional Officer 1 Director PBGen. Joel Orduna sa palengke ay tiniyak nito na tinutupad ng mga market goers ang bagong sistema.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Orduna, ipinaliwanag naman nito ang direktiba na galing sa Secretary of the Interior and Local Government (SILG) kung saan nasabihan na rin ang mga provincial offices na ipatupad ang nasabing sistema sa lahat ng palengke sa Region 1.
Samantala, sa panayam naman ng Bombo Radyo La Union kay City Mayor Alf Ortega, sinabi nito na hindi applicable sa ciudad ang bagong sistema bagamat naiitindihan nila ang utos ni director Orduna.
Kung wala umanong pagbabago ay maari nilang ibalik sa dati ang market scheme.