-- Advertisements --

Binaligtad ng Sandiganbayan ang naunang pasya ng isang korte na nag hatol sa kasong katiwalian laban kina Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero “Butch” Pichay, Jr at dalawang iba pa hinggil sa P1.5 million sposonrship ng ahensya sa isang 2010 chess tournament.

Sa isang resolusyon na may petsang Marso 1, pinawalang-sala ng anti-graft court si Pichay, at kapwa akusado nito na sina dating LWUA senior deputy administrator Emmanuel Blancaflor Malicdem at dating acting deputy administrator Wilfredo Manalili Feleo.

Pinawalang-sala rin ng Sandiganbayan ang kongresista sa kaso nito na may kaugnayan sa paglabag sa Section 7(a) of Republic Act 6713 or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa desisyong pinonente ni Associate Justice Maryann Corpus-Mañalac, sinabi ng korte na nagkamali sila sa iginawad ng hatol.

Nakasaad sa desisyon na hindi sapat ang mga ebidensiyang iprenisinta ng mga nag-aakusa sa mambabatas at mga kasama nito.

Iniutos din ng anti-graft court na alisin  ang Hold Departure Order o HDO laban kay Pichay, at ipinababalik  din ang inilagak nitong piyansa.