-- Advertisements --

Nilinaw ng Miss Universe Organization (MUO) na nananatiling walang pagbabago sa kanilang pamunuan sa gitna ng mga kumakalat na maling balita online at sa ilang media outlet.

Sa opisyal na pahayag ng MUO, kinumpirma nito na si Anne Jakrajutatip ay nananatiling Chief Executive Officer (CEO) ng organisasyon, habang si Raúl Rocha ay patuloy na nagsisilbing Presidente.

‘Anne Jakrajutatip remains the Chief Executive Officer (CEO) of the Miss Universe Organization, and Raúl Rocha continues to serve as President. There have been no modifications to our executive structure,’ pahayag ng MUO sa kanilang social media.

Samantala hinikayat din ng MUO ang publiko at media na kumuha lamang ng impormasyon mula sa kanilang organisasyon at verified channels upang maiwasan ang pagkalat ng maling balita.

‘We encourage the public and media partners to refer exclusively to our verified and official communication channels for accurate information,’ dagdag pa sa kanilang statement.