-- Advertisements --

Mabibili na rin ang P20 kada kilong bigas sa mga accredited retailers ng Walang Gutom Program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian na naibigay na nila sa Department of Agriculture (DA) ang listahan ng accredited retailers.

Ibig sabihin makakabili rin dito ng murang bigas ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program.

Ang nasabing programa ay parte ng kampanya ng pamahalaan laban sa gutom at malnutrisyon.

Sa ilalim nito, may ipinamamahagi ang DSWD na electronic food vouchers sa household beneficiaries.

Sinabi ni Gatchalian, dahil makakamura ang mga benepisyaryo sa bigas, madaragdagan ang kanilang mabibili sa P3,000 food vouchers.

” Utos ng Pangulo na walang sariling departamento na gagalaw nang hindi in coordination with other departments. Kahapon lang ng hapon, nag-usap kami ni Secretary Laurel at kukunin na iyong mga listahan ng mga accredited retailers ito iyong mga Kadiwa ng Pangulo, mga malilit na agri coop kung saan nagri-redeem ng pagkain iyong mga food poor beneficiaries natin. Bibigyan sila ng supply noong bente pesos na bigas para iyong food credits nila mas marami pa silang mabili,” pahayag ni Sec. Rex Gatchalian