Nangako si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III na ipapatupad na ang implementasyon ng 8 hours shift kada araw para sa mga pulis.
Aniya, tao amang din ang mga pulis at nangangailangan ng pahinga at hindi naman kumikilos at gumagana na parang gawa sila sa mga makina.
Sa kasalukuyan kasi, ilan sa mga kapulisan ay nagseserbisyo ng higit sa 72 hours kada linggo kung saan binigyang diin mismo ni Torre na ang sobrang oras sa pagtatrabaho ng ilang pulis ay labag sa labor code na siyang nagsasabi na dapat 40 hours lamang ang allowed na oras ng mga trabaho sa isang buong linggo.
Layon din nito na gawing mas focused ang mga pulis sa mga komunidad sa kanilang trabaho at maging sa kanilang performance nang sa gayon ay hindi patulog-tulog ang mga ito habang oras ng kanilang mga trabaho.
Kasunod nito ay nangako din ang hepe na kung may mamataan pa ring mga pulis na natutulog habang nasa duty ay agad na ipagbigay lam lamang ito sa kanilang tanggapan nang agad na ma-dismiss ang mga ito sa kanilang mga serbisyo.
Samantala, kapalit naman ng pagpapatupad ng 8 hours working shift ay nais ng hepe na makakita ng isang kalidad na serbisyo mula sa mga pulis at mas pinaigting na police visibility mula sa kanilang hanay.