Wurtzbach COVID nega

Nasa quarantine mode uli si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach kasabay ng pahayag na siya ay negatibo naman sa coronavirus disease.

Ayon sa 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro, isang linggo na lamang ay makakalabas na muli siya.

Wala namang nabanggit si Wurtzbach kung saan ito patungo, pero tila nabuhay ang haka-haka ng mga netizens na ito ay nasa United Kingdom kung saan naroon ang kanyang nakagiriang kapatid.

Nabatid na wala pang direktang pahayag ang pangatlong Pinay Miss Universe sa “weekend war” nila ng nakababatang kapatid kung saan isa sa naungkat ay ang usaping pinansyal.

Colombia vs Phl

Pero sa panig ni Sarah, nagkaayos na raw sila ng kanyang ate Pia sa pribadong paraan.

Maging sa paglitaw ng controversial win ni Pia sa 2015 Miss Universe kung saan tinawag siya bilang “ghost” ng Miss Colombia dahil hindi naman daw nakikipaghalubilo, ay dinedma lamang ng Pinay beauty queen.

Kung maaalala, nitong Hulyo nang huling beses bumisita si Pia sa kanyang kapatid sa London.