Pia Wurtzbach 2
Pia Wurtzbach/ FB image

Hindi makakadalo sa nalalapit ng coronation night ng Miss Universe 2019 si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ayon sa 30-anyos na Filipina-German beauty queen, nagkataon kasi na nasa Japan siya ng araw na iyon para sa tourism project.

Dagdag pa nito na nauna na ang gobyerno ng Japan sa nasabing proyekto kaya hindi na ito maaaring umatras.

Hindi nito maitago ang kaniyang panghihinayang dahil inalok pa ito ng Miss Universe Organization na maging backstage host sa nasabing event.

Malaki ang tiwala nito na makuha ng pambato ng bansa na si Gazini Ganados ang Miss Universe crown sa pageant na gaganapin sa Disyembre 8 sa Atlanta.