Handang tanggapin ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach kung alukin siyang gumanap bilang “Darna” sa pelikula.

Kasunod ito ng pangunguna niya sa listahan ng napupusuan ng karamihang Pinoy.

Pia Wurtzbach/ IG post

Sinabi nito na isang nakakataba sa puso ang manguna sa listahan na napipiling gaganap bilang Pinay superhero.

Dagdag pa nito na sakaling mapasakanya ang role ay gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya.

Magugunitang umatras sa pagganap bilang Darna si Lisa Soberano dahil sa injury sa kamay nito.