Ibinahagi ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang paraan nito para makatulong sa fund raising activity sa charity institution ng nasawing NBA star na si Kobe Bryant.

Sa kaniyang social post, makikitang hawak nito ang isinuot ni Jersey ni LeBron James sa katatapos na NBA All-Star.

May numero 2 ang jersey na isinuot ng NBA star bilang pagkilala sa pumanaw na anak ni Bryant na si Gianna dahil ito ang numero nito sa kanilang college basketball.

Ang nasabing jersey ng Los Angeles Lakers star ay isa sa mga NBA items na kasama na isusubasta at ang kita dito ay ibibgay sa Mamba and Mambacity Sports Foundation.