-- Advertisements --

Kinumpirma ng Republican congresswoman mula sa Washington state na si Rep. Jaime Herrera Beutler ang lumabas na impormasyon tungkol sa naging mainit na pag-uusap sa telopono nina dating U.S. president Donald Trump at House Minority Leader Kevin McCarthy habang nangyayari ang paglusob ng mga taga-suporta ni Trump sa Capitol Hill noong Enero 6.

Tila ikinadismaya ni Trump na mas may pakialam pa raw ang mga nagsagawa ng kilos-protesta sa resulta ng eleksyon kaysa sa kaniyang ka-alyado.

Sa inilabas na pahayag ni Rep. Beutler, inihayag nito na personal na ipinaalam sa kaniya ni McCarthy ang tungkol sa nasabing phone call at siya mismo ang nagbigay ng detalye sa media tungkol dito.

Hinihikayat din nito ang lahat ng malapit kay Trump o Vice President Mike Pence na nakakaalam sa nasabing phone call na maaari nilang dagdagan ang impormasyon na kanilang nalalaman.

Base umano sa naging pag-uusap ng dalawa, galit daw na ipinaalam ni McCarthy kay Trump ang paglusob ng kaniyang supporters sa Capitol Hill.

Noong mga panahong iyon ay wala rin daw intensyon si Trump na umapela sa kaniyang mga supporters na itigil ang panggugulo. Ayon pa raw kay Trump, ANTIFA group ang nanggulo sa Capitol Hill at hindi ang kaniyang supporters.

Si Beutler ay isa sa 10 Republicans na bumoto para i-impeach si Trump noong Enero 13 sa salang “incitement of insurrection.