Aabot sa 5.6 million doses ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca coronavirus vaccines ang darating ng Pilipinas sa first quarter ng 2021, ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.

Sa isang statement, sinabi ni Galvez na nakatanggap sila ng liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director ng World Health Organization-led COVAX facility, kung san sinabi nito sa kanya na ang Pilipinas ay tatanggap ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine at 5.5 million hanggang 9.2 million doses naman sa AztraZeneca sa buwan ng Pebrero.

“The vaccines under COVAX can now inoculate our healthcare workers, medical-related personnel, and other frontliners,” ani Galvez.

Kamakailan lang ay may inilatag ang pamahalaan na deployment plan para sa rollout ng COVID-19 vaccine sa susunod na buwan.

Samantala, kumpyansa naman si Galvez na ilang local government units at private sector ay handa na para sa rollout ng mga bakuna.

-- Advertisement --

Kasabay nito ay umaapela rin si Galvez sa publiko na huwag mangamba at magtiwala sa pamahalaan pagdating sa COVID-19 vaccination program.