Muling nagbabala ang Pagasa sa posibleng makaranas ng La Niña ang bansa sa Pasko at Bagong Taon.
Ayon sa Pagasa climate monitoring and prediction section, sa ngayon ay medyo nakakaranas na ang bansa ng La Niña base na rin sa weather pattern dahil sa mas madalas na pag-ulan kaysa sa normal.
Maaabot daw ang peak nito sa November hanggang December at posibleng magtagal hanggang sa buwan ng Abril kung pagbabasehan ang kasalukuyang sitwasyon.
Dahil dito, pinag-iingat na ng Pagasa ang mga residenteng nasa mabababang lugar dahil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, ngayong araw, iiral naman sa buong bansa ang monsoon rains sa bansa dahil na rin sa epekto ng tropical depression Nika.
Ang ika-14 na bagyo ngayong taon ay huling namataan sa layong 245 kilometers west ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsong 70.
Kumukilos ito pa-west northwest sa bilis na 15 kph.