-- Advertisements --

Pormal ng sinimulan ng Judicial and Bar Council (JBC) ang public interview para sa mga kandidato sa posisyon pagka-Ombudsman.

Pasado alas-dyis ng umaga unang sumalang si Michael G. Aguinaldo, kasalukuyang Chairperson ng Philippine Competition Commission, at dating Chairperson ng Commission on Audit.

Habang kasama rin sa mga nakatakdang sumailalim sa public interview ay sina Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Romeo Benitez at Atty. Jonie Caroche.

Sa mga susunod na araw inaasahan na magpapatuloy pa ang naturang public interview para sa iba pang mga kandidato sa posisyon pagka-Ombudsman.

Kabilang na rito ang kasalukuyang kalihim ng Department of Justice o DOJ na si Secretary Jesus Crispin Remulla.

Maalalang naghain ito ng aplikasyon pagka-Ombudsman na siyang kasama sa listahan ng mga nakaskedyul na humarap sa public interview ng Judicial and Bar Council.