-- Advertisements --

Nagsimula na ang pag-aaral at paghahanda ng binuong submarine team ng Philippine Navy para sa planong acquisition ng hukbo na submarine.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson Commander Jonathan Zata, hindi pa malinaw kung aling bansa bibilhin ang nasabing sasakyang pandagat.

Aniya, ang submarine team ang siyang magdedetermina kung aling bansa ang magiging supplier nito.

Pagtiyak ni Zata, ang bibilhin nilang submarine ay angkop para sa Philippine Navy.

Sinabi nito na lahat ng bansa hindi lamang Russia at South Korea na mayroong capability sa pag-manufacture ng nasabing sasakyang pandagat ay tinitingnan ng kanilang submarine team na siyang gagawa ng rekomendasyon at isusumite sa mga kinauukulan.

Sa kabilang dako, nasa Moscow, Russia ngayon si Defense Secretary Delfin Lorenzana para maghanap ng mga kagamitan na maaaring mabili para sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pero isang opisyal ng militar ang nagsabi na nag alok ng soft loan ang Russia sa Pilipinas para makabili ng submarine bilang tulong sa modernization program ng AFP.