Masayang ibinalita ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na makakatanggap ang Pilipinas ng libreng 40 milyong COVID-19 vaccine doses mula sa COVAX initiative.
Bukod pa ito sa 148 million vaccine doses na inaasahang makukuha ng Pilipinas ngayong buwan.
Ayon kay Galvez, nakita nito ang “confirmation of participation” sa COVAX scheme.
Pinangungunahan ng World Health Organization (WHO) at GAVI alliance ang global COVAX initiative na layuning siguruhin na magiging patas ang distribusyon ng bakuna sa lahat ng bansa.
Ang mga bakuna na magmumula sa COVAX ay binubuo ng mga gamot na dinivelop ng US-based Pfizer at Johnson&Johnson, British drugs group AstraZeneca, at Covovax mula sa Serum Institute of India.
Sa susunod na buwan ay plano na ng gobyerno na simulan ang pamamahagi ng bakuna sa publiko at inaasahan na matuturukan ng bakuna ang nasa 70 milyong indibidwal ngayong taon.
Siniguro naman ng kalihim na may nakahandang back-up plan ang gobyerno kung sakali na ma-delay ang pagpapadala ng bakuna sa bansa.