Nakahanda ang Pilipinas sakali mang taasan ng Estados Unidos ang kanilang interest rates, ayon ay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor Benjamin Diokno.
Sinabi ito ni Diokno kahit pa ang pinakaposibleng mangyari sa ngayon ay manatili lang naman ang kasalukuyang level ng interest rates.
Naniniwala si Diokno na pinakamagandang gawin ngayon ng US ay panatilihing mababa ang interest rates nito dahil kung titingnan ay hindi pa nga tuluyang nakakabangon naman ang Pilipinas sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Noong nakaraang linggo, inanunsyo ni US President Joe Biden ang plano nitong taasan ang corporate taxes para mapondohan ang $2 trillion infrastructure at jobs program nila.
Maging si US Treasury Secretary Janet Yellen ay iminungkahi rin na magpatupad ang mga bansa ng global minimum corporate tax.