-- Advertisements --

Japan PHL1

Asahang papalakasin pa ang kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Japan. Ito’y alinsunod sa napagkasunduan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Japanese Minister of Defense Nobuo Kishi sa pulong kahapon sa Tokyo, Japan.

“We exchanged views on regional security issues of common concern, notably freedom of navigation and over flight” and “compliance with international laws” including the 2016 tribunal decision,” wika ni Sec. Lorenzana.

Ang pagpupulong, bago ang unang Philippines-Japan Foreign and Defense MInisterial Meeting (2+2), ang unang pagkakataon na nagkaharap ng personal ang dalawang opisyal, matapos na mag-usap “virtually” sa dalawang pagkakataon.

Sa pagpupulong, tinalakay ng dalawang opisyal ang iba’t ibang isyu sa rehiyon na kapwa “concern” ng Pilipinas at Japan, kabilang ang giyera sa Ukraine, de-nuclearization ng North Korea, ang situasyon sa Myanmar, tensyon sa Taiwan strait, at isyu sa West Philippine Sea.

Kaugnay ng situasyon sa West Philippine Sea at Taiwan strait, nanindigan ang dalaang opisyal na kailangan pairalin ang freedom of navigation and overflight, mapayapang resolusyon ng mga “disputes”, at paggalang sa international law.

Kaugnay nito, nagkasundo ang dalawang opisyal na magtulungan para solusyonan ang mga “maritime security challenges.”

“Our two countries share serious concern about the situation in the East and South China Sea and we agreed to ensure observing international laws including the 2016 arbitral award to the Philippines” in disputes with China, as well as the UN Convention of the Law of the Sea,” pahayag ni Japan’s foreign minister Yoshimasa Hayashi.