-- Advertisements --
image 143

Aminado ang pamunuan ng Phil. Institute of Volcanology and Seismology na kulang ang mga ginagamit nitong monitoring stations upang matukoy ang mga natural calamities.

Ayon kay PHIVOLCS Dir. Teresito Bacolcol, umaabot lamamg sa 123 ang seismic stations ng bansa.

Napakababa aniya ito kumpara sa target o ideal na 300 na seismic stations.

Habang sa mga volcano monitoring equipment, sampung bulkan lamang ang namomonitor ng ahesniya mula sa 24 na aktibong bulkan sa buong bansa.

Sa sampung ito, dalawa lamang ang may kumpletong aparato. Malayo ito kumpara sa 15 na kanilang target.

Ayon kay Bacolcol, kakailanganin nila ng hanggang P7billion upang maihanay ang lahat ng modernization project ng PHIVOLCS.

Malayong-malayo ang naturang pondo mula sa naibigay sa kanila na P729million na budget sa susunod na taon.