-- Advertisements --
Naglabas ng update ang PHIVOLCS kaugnay ng nagpapatuloy na earthquake activity sa Pangasinan na nagsimula noong Mayo 27, 2026.
Ayon sa tala hanggang Hulyo 3, 2026, umabot na sa 385 ang naitalang lindol, kung saan 203 ang na-plot at dalawa ang naramdaman ng mga residente.
May magnitude range na 1.8 hanggang 5.1 ang mga pagyanig, habang ang lalim ng mga ito ay nasa pagitan ng 2 hanggang 131 kilometro.
Patuloy na mino-monitor ng PHIVOLCS ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maipabatid ang anumang pagbabago sa seismic activity.
Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at mga awtoridad.
















