DAVAO CITY – Plano ngayon ng Davao City Council na imbitahan ang mga personahe ng volcano monitoring departmeant sa ilalim ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) para magbigay ng linaw kung ano ang totoong sitwasyon ng Mt. Apo.
Ito ay may kaugnayan sa pagputok ng bulkang Taal na isa sa pinaka-aktibong bulkan sa bansa.
Kung maalala, mula ng mangyari ang sunod-sunod na lindol noong nakaraang taon, marami ang nakaranas ng takot lalo na ang mga residente na naninirahan malapit sa paaan ng bulkan dahil sa paniniwala na sasabog ito.
Ngunit una nang nilinaw ng Phivolcs na walang dapat na ikatakot sa nasabing insidente dahil hindi umano ito magiging dahilan sa pagsabog ng bulkan.
Ayon pa kay konsehal Nilo Abellera Sr. dapat mismong ang mga personahe ng Phivolcs ang magbigay ng linaw para may kaalaman ang mga tao sa sitwasyon ng bulkan para maalis ang takot ng mga residente na naninirahan malapit sa lugar.