Muling ibinabala ng ilang telecommunication companies ang phishing attempts may halos dalawang buwan na lamang bago ang nakatakdang pagpaso ng Sim card registration.
Ayon sa isang telco company, nagpapadala umano ang cyberhackers ng phishing emails at nagpapanggap na isang opisyal ng kompaniya na nag-aalok ng assistance para sa pagpapatala ng Sim card sa mga subscriber.
Sa ipinapadalang emails, nakasaad na ang “unsuccessful” ang pag-attemp ng subscriber na magrehistro ng kanilang Sim cards.
Kasunod nito ay uutusan ang mga biktima ng i-click ang isang malicious links para ibigay ang kanilang personal information.
Abiso naman ng telco sa mga sim card user na balewalain na lamang at i-block ang nasabing mga mensahe at pinaalalahanan ang mga ito na magrehistro lamang ng kanilang Sim cards sa official platforms.