Natanggap na ng Philippine Taekwondo Association ang imbestigasyon na isinagawa ng Jesus Is Lord Colleges Foundation mula sa Bocaue, Bulacan, sa umanoy pambubugbog ng black belter sa yellow belter na 17-anyos na dalagita.
Ayon kay PTA secretary general Rock Samson, na kanilang pinag-aaralan ang nasabing video at imbestigasyon ng paaralan.
Dagdag pa nito na sa katawan aniya nagpunta ang mga sipa at hindi sa mukha base na rin sa mga kumalat na video.
Magsasagawa pa umano sila ng dagdag na pag-aaral at imbestigasyon ukol sa insidente.
Magugunitang inireklamo ng magulang ng dalagita ang coach ng taekwondo dahil ipinalaban ito sa black-belter habang yellow belter lamang ang biktima.
Inakusahan umano ng magulang ng biktima na dahil sa selos umano kaya ginawa ng coach ang insidente dahil mayroon itong paggusto sa biktima.