-- Advertisements --

Paiigtingin ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kanilang mga estratehiya at implementasyon sa pag-digitalize ng Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) Sa Pilipinas.

Sa ikalawang pambansang kombensiyon ng Philippine Statistics Authority kasabay ng paggunita ngayong buwan ng istatistika, inihayag ni Undersecretary Claire Dennis Mapa na ang Civil Registration and Vital Statistics System ay isang malaking programa ng ahensya kabilang ang mga stakeholders ng bansa, maging ang lahat ng mga Pilipino.

Dagdag pa, sa paglaki ng populasyon sa bansa, layunin ng programang ito na mapabilis ang pagpapadala ng civil registry document services sa Pilipinas gaya ng mga birth, death, and marriage certificates, certificate of no marriage record (cenomar), advisory on marriages or certificate of marriage (cemar), certificate of no death record (cenodeath) at marami pang iba.

Una rito, noong nakaraang taon, nag-conduct na rin ang ahensya ng kanilang paunang pambansang kombensiyon kung saan ay tinalay ang mga hakbang sa pagpapaigting ng Civil Registration and Vital Statistics noong kasagsagan ng pandemya.

Isinagawa ang paunang national convention kaugnay sa Civil Registration and Vital Statistics upang masiguro na kumpleto, napapanahon ang datos at wastong produksyon ng mga impormasyon. (With reports from Bombo JC Galvez)