-- Advertisements --

Magsasagawa ng joint research ang Philippine Space Agency at ang Department of Agriculture. Ito ay upang imonitor ang produksyon ng mais at sibuyas, kasama na ang mga farm-to-market roads sa bansa, gamit ang satellite data.

Ang nasabing joint monitoring ay pangungunahan ng Space Information Infrastructure Bureu at Agricultural and Fisheries Engineering kung saan plano nilang tingnan ang pagtatanim ng mais sa ilang probinsya, katulad sa Pampanga at Isabela.

Kasama rin dito ang onion farming sa Nueva Ecija at ang paggamit ng mga farm-to-market roads sa probinsya ng Pampanga at Nueva Ecija.

Inaasahang magsisimula ang collaborative research ngayong taon, kung saan maaaring makatulong ito sa pamahalaan, mga NGO, kasama na ang mag magsasaka sa kanilang pagbuo ng mga desisyon ukol sa pagtatanim.

Inaasahan kasi ng PhilSA na makakabuo ang nasabing monitoring team ng mga komprehensibong datus na makakatulong sa mga magsasaka para sa mas magandang production, kabilang na dito ang cropping calendars, damage assessment sa panahon ng mga kalamidad, projected production, at marami pang iba.

Batay sa datus ng Department of Agriculture, ang mais ang pangalawang pinakamaimportanteng pananim sa buong Pilipinas. Habang ang sibuyas ang isa sa pinakaimportanteng high value crops, lalo na sa Central luzon.