-- Advertisements --
image 239

Umapela ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga sundalong bahagi ng nagpapatuloy na giyera sa Israel na igalang ang International Humanitarian Law.

Naglabas ang PRC ng kanilang apela upang hingin sa mga sundalo at mga militanteng grupo na huwag idamay ang mga sibilyan na naiipit sa mga lugar na sentro ng kaguluhan.

Katwiran ng Phil Red Cross, ipinagbabawal ang panloloob, paghihiganti, paninira ng mga ari-arian, pagnanakaw sa mga ari-arian, at maging ang pagdakip sa mga sibilyan.

Umapela rin ang PRC na huwag pigilan ang operasyon ng mga healthcare facility sa panahon ng emergency, kasamana ang pagtitiyak na mabibigya ng sapat na proteksyon ang mga health care workers, at emergency medical responders.

Kasabay nito, binigyang-pugay naman ng PRC ang mga humanitarian workers na nasa frontline ng nagpapatuloy na giyera at silang nagbibigay ng tulong sa mga apektado.

Sa kasalukuyan, ilang mga volunteer ng International Red Cross ang nadamay na sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Israel.

Kinabibilangan ito ng isang driver at apat na paramedics na tumutulong sa mga sugatang sibilyan at mga sundalo.