Nagpadala ng nasa $200,000 na donasyon ang Philippine Red Cross sa mga bansang Syria at Turkey na niyanig ng malakas na lindol.
Ito ay matapos na i-tap ng dalawang bansa ang naturang non-profit humanitarian organization upang humingi ng tulong para sa mga earthquake survivors doon.
Ayon kay Philippine Red Cross chairman Richard Gordon, noong nakaraang linggo ay humingi ng tulong sa kanila ang Turkish at Syrian government para mangolekta ng mga donasyon para sa mga biktima ng nasabing lindol.
Samantala, bukod sa tulong pinansyal ay nagpadala rin ang nasabing organisasyon ng mga tent at kumot.
Inihahanda na nila ngayon ang nasa 200 generator at 150 portable toilents na kanila ring ipapadala sa nasabing mga bansa ngunit inamin naman ni Gordon na bahagyang magiging pahirapan ang pagpapadala ng mga ito dahil hindi aniya nila masiguro kung paano nila ito maisasakay sa mga eroplano.
Matatandaang una rito ay nagpadala na rin ng tulong pinansyal ang ating pamahalaan para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Turkey at Syria.
Bukod dito ay nagdeploy din ang ating bansa ng Philippine Contingent sa Turkey para naman tumulong sa disaster response at search and rescue operation doon.